The Mask

inside, i feel empty
but always at the brink of tears

inside, there’s a poison
acting slowly; devouring my soul

inside, i feel lonely
silently pleading for a way out

but, the mask?
it hides it all away from plain sight

Advertisements

Bakit Sa Tuwing

bakit sa tuwing ako’y masaya,
maya’t maya’y biglang maglalaho
ang liwanag sa’king mga mata
at ang kasiyaha’y tuluyang mawawala?

bakit sa tuwing katawa’y manghihina;
pagtapos kong gumaling
ay ‘di pa rin maalis ang lumbay
na tuluyang sumasakop sa puso’t isipan?

bakit sa tuwing nagkakaro’n ng problema,
ako’y tila hindi na makatakas
mula sa mahigpit na hawak
ng matinding kalungkutan?

bakit sa tuwing lakas ay nanunumbalik,
may darating na pangyayaring
lubos na wawasak sa bagong tatag
na kumpiyansa sa sarili?

bakit?

Habang Nagkaklase

may mga panahon habang nagkaklase
na kahit anong gawin mo
walang wala ka nang maintindihan

tipo bang wala ka na sa focus
at nakatitig na lang sa board
minsan na, sa bintana pa ang tingin

magtatanong ang teacher
“class, gets niyo ba?”
tatango ka nang ‘di mo napapansin

at sa oras na magising ka na
mula sa sarili mong mundo
wala kang maintindihan at nakalayo na sila

friendzone

hindi ko alam kung paano ito gawin
hindi ko alam kung anong dapat gawin
kung pwede lang na hindi ito bigkasin
pero ayaw ko naman na ika’y paasahin

‘wag mo nang isipin na mayroong pagkakataon
na magkakaroon ng tayong magtatagal ng taon
patawarin mo ako, sapagkat hindi ko maibabalik
ang iyong inaasam na pagmamahal
at hinihinging halik