Habang Nagkaklase

may mga panahon habang nagkaklase
na kahit anong gawin mo
walang wala ka nang maintindihan

tipo bang wala ka na sa focus
at nakatitig na lang sa board
minsan na, sa bintana pa ang tingin

magtatanong ang teacher
“class, gets niyo ba?”
tatango ka nang ‘di mo napapansin

at sa oras na magising ka na
mula sa sarili mong mundo
wala kang maintindihan at nakalayo na sila

Advertisements