Ulan

napakalakas ng buhos ng ulan
para bang sumasabay sa aking nadarama
gulong-gulo ang aking damdamin
sapagkat hindi ko na alam kung ano ang tama

ako’y lubusan nang nalilito
lahat nalang, naghahalu-halo
paano na magpapatuloy
kung aking kaluluwa’y tila nagyeyelo?

sa dinami-rami ng mga responsibilidad
ako’y hindi mapalagay sa aking iisipin
kung kaya’t idinadaan na lang sa pagnood
ng pbb, at iba’t ibang pagkain

hindi ko maintindihan aking nararamdaman
ni hindi man lang mailabas ang saloobin
ilang linggo na ang nakalipas ngunit
ang dilim ay nakapaligid pa rin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s